Isa pang Maguindanao suspect arestado

ISA pa sa mahigit 100 suspek na pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangot sa malagim na Maguindanao massacre ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Bureau sa Sarangani.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-CIDG Chief Atty. Samuel Pagdilao, hawak nila ang isang magsasaka at dating driver ng mga Ampatuan na itinurong kasama sa mga suspek sa Maguindanao massacre.

Kinilala ang dinakip na si Rene Matute, 34, ng Barangay Cross, Glan na inaresto base sa warrant of arrest na inilabas ng korte na ginamit ng mga tauhan ng CIDG-12.

Nabatid na si Matute base na rin sa salaysay ng misis nitong si Lily ay nagtrabaho sa Maguindanao noong 2005 bilang isang drayber subalit wala umanong kinalaman sa massacre na ikinasawi ng 57 katao.

Napagkamalan lamang umano si Matute na si Dixon Sapdula na nasa larawan ng mga wanted person na sangkot sa massacre.

Magugunitang noong Nobyembre 23, 2005, ay napatay ang 57 katao kabilang na ang 32 kasapi ng media sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply