Isang gate ng Binga Dam binuksan na

BINUKSAN na ang isang gate ng Binga Dam matapos umabot sa mataas na lebel ang tubig nito ng 0.5 meters.

Ayon sa tala ng Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umaabot na sa 574.12 meters ang antas ng tubig sa dam, mas mababa sa normal high water level na 575 meters.

Nananatili pa rin naman below normal level ang mga antas ng tubig sa iba’t ibang dam sa kabila ng malakas na pag-ulan sa magdamag.

Nananatili sa 99.78 meters ang tubig sa Ipo Dam, mas mababa sa 100.80 meters na normal high o spilling level nito.

Nasa 79.18 meters naman ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na may normal high level na 80.15 meters.

Nananatili naman sa 287.61 meters ang lebel ng tubig sa Caliraya, bahagyang mas mababa sa 288 meters na normal high level nito.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente na naninirahan sa mabababang lugar na mag-ingat dahil sa pagtaas ng tubig o flash flood.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply