Isang tinig lang sa kanselasyon ng klase sa Marikina

NAGKAISA ang lahat ng barangay captains sa Marikina na ibigay kay Mayor Del de Guzman ang desisyon pagdating sa pagdedeklara kung may pasok o wala kapag malakas ang buhos ng ulan.

Ito ay naganap sa Consultative Meeting ng DILG para sa paglabas ng “Joint Memorandum Circular para sa Manual of Protocols and Procedures for the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Government Offices, and its lifting  thereof, in Metro Manila during inclement Weather Conditions without Storm Warning Signals” sa Shoe Hall ng Marikina City Hall kung saan pinulong ni Mayor De Guzman ang lahat ng kapitan, konsehal, school principals, department heads ng PIO, City DRRMO, atbp.

Nagkaisa rin ang lahat na kapag lumipas ang 4:30 ng umaga at walang deklarasyon ay nasa diskresyon na ng mga magulang kung papapasukin ang mga anak nila. Kailangan lang siguraduhin ng mga magulang na magbigay ng excuse letter sa mga guro kinabukasan sabi ni Elizalde Cena ng DepEd.

Nabanggit din sa pulong ang problema na maaaring sisihin ng mga magulang ang gobyerno kapag nagkansela ng klase tapos biglang umaraw. Ganun din naman daw kapag walang kanselasyon ng alas kuwatro at biglang bumuhos ang ulan ng alas singko o alas sais.

Ganyan po talaga ang problema. Maaari nating itulad ang sitwasyon ng mayor sa isang goal keeper ng soccer team na kahit lagpas sampung goals ang na-block nito — sinisisi pa rin kapag may isang goal na naka-score. Makakalimutan nila ang mga panahon na tama ang pagkansela mo at tanging ang mali mo lang ang maaalala.

Ngunit ang naging consensus ay mas mabuting siguraduhing safe ang mga bata kahit na mabatikos pagkatapos ng deklarasyon at bumuti ang panahon.

Sa amin sa Marikina, ang Public Information Officer (PIO) ang focal person in the absence of the mayor pagdating sa announcements. Kaya minabuti rin namin bilang presidente ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) na makipagpulong kaming mga PIO sa DOST at sa newsdesks ng iba’t ibang istasyon ng TV at radyo para iisa ang SOP naming lahat.

Sa tulong ni MMDA Chairman Francis Tolentino, DzMM News Editor David Oro, DzBB Senior Newsdesk Dindo Bellosillo, atbp. maisasaayos natin lahat yan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply