Isda sa Laguna Lake nauubos sa knife fish

BINALAAN kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resurces (BFAR) ang mga mangingisda na nanganganib umanong maubos ang lahat ng uri ng isda na nabubuhay sa lawa ng Laguna sa loob lamang ng tatlong linggo kapag hindi agad nagawan ng paraan na masugpo ang  mapaminsalang knife fish sa naturang lawa .

Ayon kay BFAR Director Asis Perez kayang kumain ng hanggang pitong kilong buhay na isda ang knife fish bago ito umabot sa 10 kilo.

Ani Perez, kapag umabot ng 10 kilo ang isang knife fish nangangahulugang 70 kilo na ng isdang nabubuhay sa naturang lawa ang nakain nito

Dahil dito, naalarma na ang ahensya na gumagawa ng mabilisang hakbang upang mapigilan ang pagdami nito kung saan 10-tonelada ng knife fish ang kanilang nahuhuli araw-araw upang tangkain itong pigilan, bukod pa sa pagkuha sa mga itlog nito

Sa ngayon, umaapela ang BFAR sa lahat ng LGUs sa bahagi ng Laguna na makipagtulungan sa ahensya dahil nakababahala na ang perwisyong dulot ng knife fish.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply