Iskul sa Davao nasunog: 9 classroom naabo

SIYAM na silid-aralan ang natupok makaraang masunog ang L. Navarro Elementary School sa Lasang, Davao City kaninang madaling araw.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang alas-5:00 ng madaling sa isa sa mga bahay malapit sa nasabing paaralan.

Agad na sumugod ang ilang mga guro, magulang at ilang mga mag-aaral upang iligtas sana ang mga kagamitan sa nanturang paaralan.

Base sa kuwento ng isang guro sa naturang paaralan, Grade I pa lamang siya nang maitayo ito na gawa pa sa kahoy kung kaya isa ring dahilan kung kaya mabilis na kumalat ang apoy. Dagdag pa ang sobrang kalumaan nito.

Naapektuhan ang klase mula Grade 1 hanggang Grade 3.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad kung saan nagmula ang sunog at magkano ang halagang nasira.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply