IT teacher natagpuang patay sa loob ng bahay

INAALAM na ng mga pulis kung nagpakamatay o pinatay ang isang IT teacher na natagpuang wala nang buhay sa inuupahang bahay sa Caloocan City kaninang araw.

Kinilala ang biktima na si Elton John Roa, 43 ng Baltazar Bukid ng lungsod na namatay dahil sa tinamong tama ng sumpak sa kaliwang sintido.

Base sa ulat, dakong alas-5:00 ng madaling araw, bibili ng almusal ang kapitbahay ng biktima na si Nera nang makitang may pumatak na dugo mula sa bahay ni Roa.

Humingi ng tulong ang saksi sa mga kapitbahay at nang pasukin ang bahay ng biktima ay nakitang wala na itong buhay habang nasa tabi ang isang sumpak.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply