Itatayong US Naval Base sa Sarangani, kathang isip lang

KATHANG isip lamang ang mga isyung lumabas na umano’y magtatayo ng isang naval base ang United States of America sa bayan ng Glan, Sarangani Province, ayon sa Philippine Navy.

Ayon kina Captain Robert Empedrad, Philippine Navy Commander at Director ng Exercise (Cooperation Afloat Readiness and Training ) CARAT 2012 na walang katotohanan ang mga alegasyon mula sa militanteng grupo na may itatayong naval base sa Glan.

Ipinaliwanag ng opisyal, na ang ginagawang 18th Joint Exercises na tinawag ngayon na Joint Cooperation Afloat Readiness and Training o CARAT 2012 ay regular na ginagawa taon-taon sa bansa mula pa noong 1995 kasama ang US Navy at Coastguard.

Hindi lamang ang Eastern Mindanao ang pinagdarausan nito kundi  maging sa ibang parte ng Pilipinas tulad ng  Palawan.

Imposible umano ang sinasabing Naval Base na itatayo kahit saang parte ng Pilipinas dahil malaking usapin ng seguridad ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply