ITCZ, magdudulot ng mga pag-ulan sa Luzon, Visayas

MAKARARANAS ng malawakang pag-ulan ang Hilaga, gitna at Katimugang Luzon maging ang ilang bahagi ng Visayas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito’y dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas na siyang nagdudulot ng mga pagbuhos ng ulan.

Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga lalawigang sakop ng Central at Southern Luzon gayundin sa Visayas na maging laging alerto sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Asahan pa rin naman ang pag-ulan sa Metro Manila na may pagkulog at pagkidlat sa dakong hapon o gabi.

Ang agwat ng temperatura ay naglalaro mula 24 hanggang 32 antas ng sentigrado

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply