Jacobi, inabswelto ng Supreme Court

INABSWELTO ng Korte Suprema ang isang Australian treasure hunter kaugnay sa kasong inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban dito at kanyang abogado.

Ang kaso ni Reiner Jacobi, treasure hunter at abogado nitong si Crispin Reyes ay  may kinalaman sa di umano’y pagsusumite ng dalawang pagsipikadong liham mula sa PCGG bilang ebidensya sa petition for mandamus na kanilang inihain laban sa PCGG at sa Chairperson nito na si Magdangal Elma sa Sandiganbayan.

Sa 46-pahinang desisyon na ipinonente  ni Justice Arturo Brion, ibinasura ng Supreme Court Second Division ang petition for certiorari na inihain ng PCGG at ni Chairperson Elma laban sa dalawang resolusyon na inisyu ni Dating DOJ Undersecretary Merceditas Gutierrez na nagsabing walang probable cause para isulong sa korte ang kasong falsification of document laban kina Jacobi at Reyes.

Tinukoy sa desisyon na hindi nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng DOJ.

Ang pagtukoy umano sa probable cause ay isang executive function na hindi maaring panghimasukan ng hukuman.

Ayon pa sa SC, ang pagkakaruon din umano ng pekeng liham ay hindi sapat.

Sa ilalim ng Article 172 ng Revised Penal Code ay nakasaad din umano na kinakailangang batid din ng akusado na peke ang hawak niyang dokumento bago iyon magamit sa judicial proceeding.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply