Jail break sa M’danao may mananagot

MAY mananagot sa jail break sa Maguindanao kung saan nakatakas ang grupo ni Kumander Lastikman.

Ito ang tiniyak ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nagpahayag din na gumugulong na ang imbestigasyon para alamin ang may pananagutan sa pagpuga ng high profile inmates.

Sa katunayan aniya ay mismong si Maguindanao Gov. Ismael Mangudadatu ang nag-utos sa pagkaka-relieve ng provincial jail warden sa Maguindanao.

Sa kabilang dako, may basbas ng Malakanyang ang isinusulong ni DILG Sec. Jesse Robredo na mailipat sa pamamahala ng BJMP ang mga municipal at provincial jails.

Sinabi ng opisyal na suportado nila ang hakbang ng DILG na sa halip na ilipat sa Bicutan ang mga nasabing high risk inmates, mas mainam na ipaubaya na sa BJMP ang pagbabantay sa mga kulungan.

Matatandaang noong isang taon pa hinihiling ng provincial government na mailipat sa Bicutan jail sina Kumander Lastikman dahil sa banta sa seguridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply