Jail warden sinibak dahil sa jailbreak sa Cotabato

TINANGGAL na ang provincial jail warden bunsod ng naganap na jailbreak sa Cotabato.

Nabatid na sinibak na ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu si provincial jail warden Kasan Odin habang ipinag-utos na rin ni Mangudadatu sa pulisya ang malalimang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Kahapon, 11 preso ang tumakas kabilang na si Datukan Samad alyas Kumander Lastikman habang dalawa na ang nahuli.

Binuo na rin ni Cotabato City Police Director S/Supt. Danny Reyes ang trackers team na mangunguna sa pagtugis sa mga pugante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply