Jake Vargas vs Daniel Padilla, nagbanggaan ang mga fans

TALAGANG ayaw nang paawat sa kasikatan ang gwaping na bagets Idol na si Jake Vargas. Siya ang pambato ng GMA 7. Dinumog siya ng mga fans nang mag-show sa Robinsons Pulilan. Balwarte kasi nito ang Pulilan.

Kaso, naligaw roon ang mga fans ni Daniel Padilla. Hindi nagustuhan ng mga die hard fans ni Jake ang patutsada ng mga fans ni Daniel. Dito na nagkainitan at nagkabanggaan ang mga fans.

Naawat naman sila. Balwarte talaga ni Jake Vargas ang bayan ng Pulilan. Balwarte naman ni Daniel Padilla ang bayan ng Plaridel, sa Bulacan. Sina Jake at Daniel na kaya ang maglalaban sa popularidad?

***

Vice Gov Daniel Fernando, forever friend ni Mayor Christian

BAGAMA’T merong nang-iintriga sa magandang samahan ng best friends at magpinsan na sina Vice Gov. Daniel Fernando at Mayor Christian Natividad ng Malolos City, hindi sila nagpapaapekto sa intriga. Inimbitahan kasi ni Mayor si Philip Salvador sa Malolos at isinama sa Bayanihan sa Balayong.

Okay lang ito kay Vice Gov. Daniel at sinabi niya na malaya ang lahat. Sinabi naman ni Mayor Christian na trabaho lang ang lahat, walang personalan.

Sa totoo, sina Vice Gov. Daniel Fernando at Mayor Christian Natividad ang pinakasikat at pinakamabangong personalidad sa Bulacan.

***
Sen. Bong Revilla, suportado ni Mayor Ferdie Estrella

MAPALAD naman si Mayor Ferdie Estrella nang Baliwag dahil suportado siya ng kaibigan ng Pamilya niya na si Senator Bong Revilla. Bokal palang si Mayor Ferdie nang dumalo si Sen. Bong sa kanyang birthday party sa Baliwag. Parehong kaibigan nina Mayor Christian at Mayor Ferdie si Sen. Bong. Nagpapasalamat si Mayor Ferdie Estrella sa suporta ni Sen. Bong.

Congrats po.

***

Albie Casino, pangarap ng mga kolehiyala

PANGARAP at pantasya ng mga kolehiyala ang gwapo at disenteng young actor na si Albie Casino. Bukod sa talagang gwapo, mabait ito at buhat sa disenteng pamilya, kaya naman ang mga kolehiyala ay kinikilig sa kanya. Matinee Idol talaga siya.

***
Amalia, Divina at Nadia maraming followers and supporters

WALANG kupas sina Amalia Fuentes, Divina Valencia at Nadia Monte Negro.
Nandiyan pa rin ang kanilang mga tagahanga kahit matagal silang namahinga sa show business. Nagbalik showbiz na si Divina Valencia. Kelan naman kaya muling babalik sa pagganap sina Amalia Fuentes at Nadia Montenegro?

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply