Janine Gutierrez at Steven Silva, super close!

NAIKUWENTO ni Steven Silva na habang tumatagal ang taping ng Together Forever ay mas nakikilala niya nang husto si Janine Gutierrez.

First time kasi nilang magteam-up sa Sunday soap ng GMA7, ang Together Forever. Bida rin dito sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

Naikuwento ni Steven na masarap katrabaho si Janine kahit teen-ager pa lang ay mature na rin ang mga desisyon sa buhay. Nagagalingan siya kay Janine di lang sa pagkanta sa Party Pilipinas kundi pati na rin sa pag-arte.

May pagmamanahan si Janine sa pag-awit. Lola lang naman niya ang Asian Queen Of Song na si Pilita Corrales at ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.

Sa acting, pagmamanahan ni Janine ang kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramoncito Guitierrez.

Si Steven Silva naman ay grandwinner ng StarStruck 5. Bukod sa guwapo, magaling na singer at mahusay ding umarte.

Samantala, sa Together Forever napanood last Sunday ang tungkol sa hearbreak ni Jullie Anne. Makikiusap si Ely (Elmo Magalona) kay Toyang (Julie Anne) na maging bridge ito para mapalapit at makapanligaw sa kanyang ultimate crush na si Shirley (Lexi Fernandez).

Masasaktan si Toyang pero gagawin niya pa rin ito at walang kaalam-alam si Ely sa nararamdaman sa kanya ng kanyang pare koy・ Magkakamabutihan din ang dalawa lalo na nung sumali si Ely sa banda ni Shirley.

Samantala, si Jasmine (Janine Gutierrez) naman ay hurting pa rin sa break-up nila ni Ben (Benedict Campos). Kahit hindi naman niya ito pinagsisisihan, pakiramdam lang niya na hindi siya kayang alagaan ni Ben sa mga panahong kailangan niya ng karamay.

Isang araw, habang nasa grocery at iniisip si Ben, makakabanggaan niya ang isang lalaki at matatapunan ng inumin. Hindi tinanggap ng lalake ang sorry ni Jasmine at aawayin pa niya ito.

Matapos ang ilang araw, makikita ulit ni Jasmine ang lalaki at malalaman niyang may-ari pala ito ng food stall sa grocery nila. Para makaganti sa pamamahiya ng lalake, gagantihan ito ni Jasmine.

Ano kaya ang gagawin ni Jasmine para makaganti? Sino kaya ang lalakeng ito na madalas niyang makakabangga? Ano naman kaya ang mangyayari kay Toyang ngayong nagkakamabutihan na ang kanyang parekoy na si Ely at Shirley?

000

PUMUNTA naman ang Kap’s Amazing Stories last Sunday sa continent ng Africa para sa episode na Planet of Life. Tinalakay ang buhay doon ng mga hayop na lumilipad na tulad ng Eagle.

Ganun pa rin, kasama ni Sen. Bong Revilla bilang co-host ang batang si Jillian Ward. Siya ang madaldal na parrot na kabatuhan ni Bong sa kanyang pagkukuwento sa Kap’s. As usual masaya ang show dahil makulit si Jillian.

Ang malawak na lupain ng Africa ang naging habitat ng iba’t ibang uri ng hayop sa daigdig.

Kilala ang lugar bilang Zafari, kung saan puedeng puntahan at pasyalan ang malawak na lupain para makita ang iba’t ibang hayop.

Sagana sa damo ang malawak na lupain na kinakain ng mga hayop na nabubuhay roon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply