Janitress na nagpatiwakal sa DOJ, pumanaw na

BINAWIAN din ng buhay ang janitress na nagpakamatay sa mismong main building ng Department of Justice na naisugod pa kahapon ng hapon sa ospital.

Nabatid na bandang alas-9:00 kagabi nang mamatay si Arlene Aviles, 38, na nagtangkang magpakamatay sa  Room 127 ng main building ng  DOJ  sa Padre Faura, Manila.

Base pa sa ulat, lumaklak ng  silver cleaner ang janitress kung saan itinuturong ang malaki umano nitong utang ang nagtulak sa kanya upang tapusin ang buhay.
Bandang alas-2:00 ng hapon kahapon nang matagpuan si Arlene na wala nang malay sa naturang lugar.

Bago ang pagpapakamatay, binalaan na ng live-in partner ng biktima ang mga utility ng DOJ na matiyagan ang kinikilos ni Arlene dahil  malimit umano  itong magbiro na magpapakamatay.

Nakuha naman sa pinangyarihan ang isang suicide note ni Arlene.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply