JBC, bahala kung papatulan ang Senado

BAHALA ang Judicial and Bar Council (JBC) kung patulan ang resolusyon ng Senado na humihiling na suspendihin ang pagpili sa susunod na Chief Justice ng Korte Suprema dahil sa pansamantalang pagkakaalis ng mga kinatawan ng dalawang kapulungan ng Kongreso bilang miyembro ng konseho.

Para sa Malakanyang, pinanghahawakan nila at susundin ang 90 days period para makapili na si Pangulong Benigno Aquino III ng ipapalit kay dating SC Chief Justice Renato Corona.

Ang deadline ng pagpili ng susunod na Chief Justice ng SC ay sa Agosto 27, 2012.

Kamakailan ay nagdesisyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso na pansamantalang alisin ang kani-kanilang kinatawan sa JBC habang kinokonsulta nila ang kanilang mga miyembro sa bagay na ito.

Nag-ugat ang pansamantalang pagpapaalis ng mga kinatawan ng dalawang Kongreso sa JBC dahil sa hindi malinaw at maayos na desisyon ukol sa kailangan ay isa lamang ang magiging kinatawan ng Kongreso sa JBC.

Sina Senador Chiz Escudero at Cong. Niel Tupas Jr. ang mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa JBC bilang mga pinuno ng House at Senate justice committees.

Bukod dito, kinuwestiyon ni Senador Enrile ang kasalukuyang komposisyon ng JBC, sabay sabing “Constitution was “very clear” that the Chief Justice and not any justice, “not even the acting Chief Justice,” can be the ex-officio JBC chairman. There’s no such thing as an acting Chief Justice as far as that provision of the Constitution is concerned, in the same manner the Senate President Pro Tempore cannot substitute for the Senate President as chairman of the Commission on Appointments.”

Aniya, ang probisyon para sa uupong Chief Justice ay hindi nasunod ng maayos ng JBC habang ang constitutional provision ng Kongreso sa pagkakaroon ng isang kinatawan ay ikinasa.

Dahil dito, iminungkahi ni Senador Enrile kay Pangulong Aquino na ipagpaliban ang pagtatalaga ng susunod  na Chief Justice habang may ganitong usapin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply