JBC nagpaalala sa mga nominadong may kaso

MULING pinaalalahanan ng Judicial and Bar Council ang mga nominado sa pagka-punong mahistrado na may kinakaharap na kaso na ayusin kaagad ito kung nais mapasama sa shortlist.

Ayon kay Atty. Jose Mejia, myembro ng JBC, malinaw na nakasaad sa JBC rules na maaaring madiskwalipika ang sinumang nominado na may kinakaharap na kaso, administratibo o kriminal man ito.

Isa mga nominado si Justice Secretary Leila de Lima na nahaharap hindi lamang sa tatlong disbarment complaint kundi maging ng kasong graft sa Ombudsman.

May kaugnayan ang kaso ng Kalihim sa umano’y iligal na pagpapa-deport sa ilang Taiwanese nitong Pebrero.

Matatandaan na noong 2099, si dating Justice Secretary Agnes Devanadera na naging nominado para maging mahistrado sa Korte Suprema ngunit nadiskwalipika matapos mabigong makakuha ng clearance sa Ombudsman kaugnay ng kinakaharap na kaso.

Kaugnay nito, umaasa ang JBC na sa Hulyo 30 ay makapagsusumite na sila ng shortlist kay Pangulong Benigno Aquino III.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply