JBC nagtalaga na ng acting presiding chief

KINUMPIRMA ngayon ni Senator Francis Escudero, na si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta ang uupo bilang acting presiding officer ng Judicial and Bar Council (JBC).

Sa nakaraang pulong balitaan ng Korte Superema, sinabi ni acting public information office chief,  Atty. Gleoresty Guerra  na si Justice Peralta ang dapat na manguna sa Judicial and Bar Council kung susunduin ang batas

Ayon pa kay Guerra, nakasaad sa inilabas na desisyon noon ng Kataas-taasang Hukuman sa Famela Dulay petition na ang matitirang most senior justice na hindi tumanggap sa nominasyon ang mangunguna sa JBC bilang kinatawan para sa posisyon ng punong mahistrado bilang ex-officio member ng Konseho.

Una nang iginiit ng kinatawan ng mababang kapulungan ng Kongreso sa JBC na si Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. na hindi niya kinikilala ang naturang paninindigan ng SC at si retired SC Justice Regino Hermosisima pa rin ang dapat manguna sa konseho.

Gayunman, nagbigay-daan na rin si Tupas dahil iyon ang naaayon sa umiiral na batas at naging pasya na rin ng mayorya sa JBC members.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply