JDR for Pasay City mayor

MALAYO pa ang halalan, pero umaalingawngaw na sa lungsod ng Pasay ang maningning na ka-tauhan ng philanthropist-busi-nessman na si Jorge del Rosario.

Sa mga pagtitipon, sentro ng talakayan ang planong pagtakbo ni JDR bilang alkalde ng Pasay sa darating na May 2013 election.

At sa pagpapaimbulog ng kilalang negosyante sa pulitika, naku, eh, siguradong marami ang magugulat at magtataas ng kilay.

Dahil, bakit nga naman pa-pasukin ang magulong mundo ng pulitika, gayong ang lahat ng rangya sa buhay ay nasa kanya na?

Ito rin ang sinaliksik ng Chokepoint at ang kasagutan ay ating nalaman sa mismong mga taong nakakikilala sa sikat na negosyante.

Sa nakalap na ulat ng Choke-point, itong si JDR ay matagal na palang tumutulong sa mga nanga-ngailangan, lalo na sa mga kapus-palad.

Napagtagpi-tagpi rin natin na kulang ang tinatamasang sarap sa buhay ni JDR kung wala siyang tulong na naigagawad sa mga na-ngangailangan ng ayuda.

Nalaman natin na ang pag-tulong sa kapwa ay nakagisnan niya sa namayapang ama na si Jesus del Rosario sa pamama-gitan ng JDR Foundation Inc.

Bago ang kanyang paglisan, sa bibig ng matandang Del Rosario ay hinabilin kay JDR na ipagpatu-loy ang sinimulan niyang pagtu-long.

Ang ginagawa nilang pag-tulong sa mga nangangailangan ay pagta-naw sa mga natamong tagumpay sa mga itinayong negosyo.

Nabulgar din na sa nakaraang May 2010 election, kinailangan pa-lang ‘sumugal’ si JDR maging alkalde lang si Tony Calixto.

Sa mga kandidato noon, si Ca-lixto raw ang kanyang inasahan na makatutulong sa mga residente at magpapabago sa lugmok na lugmok ng imahe ng Pasay.

Sa buong kampanya noong May 2010 election, ‘di lang impor-tanteng oras ang ginugol ni JDR kundi sariling pera na ‘di biro ang halaga. Pero, pagkatapos ng election at naupo na si Calixto, nagbago raw

ang ihip ng hangin  dahil ang dapat

asahan ay kasamang nilipad ng hangin.

Marahil, ang naging karana-san na ito ni JDR kung kaya’t pla-no niyang tumakbo sa pagka-al-kalde ng Pasay sa darating na halalan.

Kaysa gumastos na naman siya ng P150 million, tama ang desisyon ni JDR na tumakbo na siyang Pasay City Mayor.

Para ang pagtulong na kanya nang ginagawa sa mga Pasa-yeño ay madodoble kapag siya na ang punong-lungsod ng Pasay.

Malinaw na handog ng langit si JDR sa mga Pasayeño.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply