Jeep tumagilid sa Albay, 9 sugatan

SUGATAN ang siyam pasahero, kabilang ang apat na estudyante nang tumagilid ang kanilang sinasakyang jeep sa Albay.

Kinilala ang mga estudyante na sina Erlin Marie Longasa, 19, Fidel Surtida Sto Domingo; Joanne Galvo, Janna Lea Cariso at Jovick Dino, habang ang iba pa ay sina Lorenzo Bermundo Jr., Janeth Barrameda, Aileen Belen, at Jason Bellen.

Ang mga biktima ay pawang nagkaroon ng mga bali sa katawan.

Ligtas naman sa aksidente ang drayber ng dyip na si Renato Gonzales, ng Bariw, Bacacay.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng mga biktima ang nasabing lugar nang nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa mahulog sila sa kanal at tuluyang tumagilid.

Nakatakda namang kasuhan si Gonzales dahil sa aksidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply