Jennylyn Mercado pinagseselosan ng non-showbiz GF ni Patrick Garcia

INAMIN ni Jennylyn Mercado sa mga nakatsikahang entertainment press na wala na silang communication ni Patrick Garcia, ama ng kanyang anak na si Alex Jazz, dahil tila may nagseselos kapag nagte-text sa kanya ang aktor.

May non-showbiz girlfriend ngayon si Patrick at ito marahil ang tinutukoy ni Jen na nagagalit kapag nagte-text sa kanya ang aktor.

Wala naman daw silang away ni Patrick, basta lang wala silang communication at okay lang daw ito sa kanya dahil ang mama (Mommy Lydia) naman niya ang nakikipag-communicate sa aktor tungkol kay Alex Jazz.

Samantala, magsisimula na sa Aug. 5 ang bagong show ni Jen sa GMA-7 na kapalit ng Showbiz Central, ang H.O.T. TV. Dito ay makakasama niya sina Regine Velasquez at Roderick Paulate.

Nagsimula na rin ang serye niyang Hindi Ka na Mag-iisa at happy rin ang aktres sa mataas na ratings nito pati na ang isa pa niyang show na Protégé.

Bukod dito, nasa Party Pilipinas din siya every Sunday kaya hindi na magkandaugaga ang aktres sa rami ng proyekto.

At take note, naisisingit pa niya ang paggawa ng pelikula. She’s doing a movie under Regal Films, ang The Bride and The Lover kung saan ay excited rin siya dahil two years ago pa raw ang last movie niya na Rosario.

Right now, katatapos lang ni Jen mag-pictorial para sa Belo at Bench Body. Parehong sexy ang theme nito pero magkaiba ng concept.

Mapangahas ang Bench, astig at kakaiba, habang ang pictorial niya naman for Belo ay sensual at sosyal.

Sam Pinto deadma na lang sa mga detractors

DEADMA na lang Sam Pinto sa mga detractros niyang nagsasabing she doesn’t deserve winning as FHM’s Sexiest Woman in two consecutive years as she doesn’t really have much of a career like previous winners Angel Locsin, Marian Rivera, Katrina Halili and Cristine Reyes.

“It’s not my fault that people voted for me,” sangga niya. “When I joined the FHM show sa World Trade Center, very positive naman ang reception sa’kin, so wag na lang pansinin ‘yung negative comments na ganyan.”

She says she’s loveless but she’s currently linked to a Fil-Australian commercial model and surfer in La Union named Luke. “We’re good friends. He teaches me to surf, but we’re not really on. Mas committed talaga ako to my career now. I’m glad I’m included in the cast of the filmfest entry ‘Si Agimat, Si Enteng and Me’. I didn’t expect I’d be part of the movie as I thought si Judy Ann Santos lang ang leading lady. I was so happy when I was informed na kasama pala ako. I’m glad to have a movie to be shown this coming Christmas season.”

Senator Tito Sotto naaawa kay Susan Roces

AYON kay Helen Gamboa, pati ang asawa  niyang si Sen. Tito Sotto ay nadadala na raw sa kasamaan ng role niya sa Walang Hanggan bilang si Doña Margaret at naaawa na raw ito kay Ate Henya na ginagampanan naman ni Susan Roces.

Natatawa na lang daw si Helen sa reaksyon ng asawa niya dahil ibig sabihin lang nito ay effective talaga ang pagiging kontrabida niya.

Maging ang mga anak niya raw ay nagugulat sa mga ginagawa niya bilang Donya Margaret at ang sabi raw ng mga ito, hindi raw siya ganu’n sa bahay.

But at the same time ay sobrang proud naman daw ng mga anak niya na nagagampanan niya nang maayos ang role.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Walang Hanggan, nalantad na nga sa manonood na si Jean Bonifacio/ Black Lily (Eula Valdez) ay walang iba kungdi si Jane Bonifacio na asawa ni Marco (Richard Gomez) kaya abangan ang mga susunod na kaganapan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply