Jessica Sanchez inaming BF si DeAndre Brackensick

MULI na namang pinag-usapan ang Fil-American-Mexican singer na si Jessica Sanchez matapos aming dyowa as in boyfriend na niya ang kapwa contestant ng American Idol season 11 na si DeAndre Brackensick.

Inamin ito ng batang singer sa kanyang mga fans sa live UStream.

“Deandre, ….. Hahah. He’s my boyfriend. Love you guys. Byeeee!” pahayag ng singer.

Pagkatapos ng pag-amin, samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang lumabas. May nagulat, may natuwa at may nalungkot sa naturang pag-amin.

May lumabas na ulat na nanghinayang umano ilang tagahanga ng young singer dahil typoe nila para kay Sanchez ang Top 7 na si Colton Dixon.

Ilan din ang nagsabi na maghihiwalay din ang dalawa dahil masyado pang bata umano si Jessica.

May mga nagtanggol din sa ugnayan ng dalawang AI contestant at sinabing hayaan sila dahil masaya silang dalawa sa isa’t isa.

May ulat rin na lumabas na kaya umamin na ang dalaga ay dahil binukelya (binuking) ang relasyon nila ng ilang fans.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply