Jet ski judge Ralph Lee

MAGANDANG balita para sa kaibigan nating si Quezon City Judge Ralph Lee na mabigyan ng judicial clemency ng Korte Suprema na noon ay namultahan “for failure to decide on a penalty case within the period required by law.”

Dahil sa pinagkaloob na judicial clemency, eligible na si Judge Ralph sa nominasyon o appointment to a “higher post in the judicial department.” The Supreme Court said that it now deems it fair, appropriate and timely to open the door to Judge Lee to allow him to seek further op-portunities in the judiciary.

Si Judge Lee ay dating NBI agent, dating prosecutor, tapos naging MTC Judge at ngayon at RTC Judge na. Isa rin siya sa na pipisil na humalili bilang NBI Director.

Noong Marso ng 2009 ay pinagmulta si Judge Lee ng halagang Php20,000 matapos na mapatunayan na maraming kaso ang hindi niya nadesisiyunan sang-ayon sa “timeframe” na itinakda ng batas.

Ang pobreng Judge ay maaring isa lamang sa mapakarami nating judge na natambakan ng kaso hindi dahil sa tamad  sila kundi sahil sa SOBRANG DAMI NG WORKLOAD ng isang judge.

Halimbawa na lang, umaga ay mag-hearing ang judge, mga 20 na kaso. Pagkatapos sa hapon ay hearing ulit. Sa gabi at weekend na lang marahil nakakukuha ng oras na gumawa ng desisiyon ang isang judge. Samantala, parami nang pa-rami ang kasong isina-sampa.

Marahil kapag may bago nang Chief Justice ay mabisita ulit ang problemang ito, kung paano ma-pabibilis ang gulong ng ating Hustisya.

Balik tayo kay Judge Lee, na ngayon ay maaari nang mapromote sa mas mataas na posisyon sa Judiciary. Hindi man niya makuha ang pagiging Chief Justice ay hinog na siya sa mas malalaking hamon sa kanyang pagiging abogado. At si Judge Lee ay sanay sa hamon at hindi tumatalikod kahit buhay pa niya ang itaya.

Siya po ang judge na gumamit ng JETSKI na sumagip ng mahigit isang daang tao sa Novaliches noong kasagsagan ng bagyong Ondoy noong 2009.

Mapanganib ang kanyang ginawa ngunit ipinakita niya na hindi man niya suot ang kanyang “judicial robes” ay pwede pa rin siya makapagsilbi sa mga tao.

Mas tinalo pa ni Judge Lee ang ilang “action stars” na sa peli-kula lang nagpapakita gilas.

Si Judge Lee, hindi man action star, ipinakita niya ang kanyang malasakit sa kapwa. Mabuhay ka, jetski judge Ralph Lee!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply