Jewelry industry sa bansa isalba — solon

ISALBA ang local jewelry industry sa bansa sa pamamagitan ng pansamantalang pagtanggal sa ipinapataw na buwis dito.

Ito ang nakapaloob sa House Resolution No.2466 na inihain ni Tarlac 2nd District Rep. Susan Yap kung saan isinulong niyang alisin ang excise at value added tax na ipinapataw sa Philippine jewelry business upang muling sumigla ang kalakaran dito.

Sinisisi ni Yap ang mataas na porsyento ng buwis na ipinapataw sa mga alahas na gawa dito sa Pilipinas, ay pumapatay ito sa mga lokal na negosyante at mga empleyado na dito umaasa para sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

“The local jewelry manufacturing industry is under threat of extinction, while domestic trading has become more attractive,” ani Yap.

Ipinaliwanag din ni Yap na nagpapamahal aniya sa presyo ng mga alahas sa bansa ang ipinapatong na 20% na excise tax at 12% VAT.

Umaabot na sa 250 mga kumpanya sa bansa ang nasa industriya ng pag-aalahas kung saan nasa 100,000 ang mga empleyadong bumubuo dito.

Tungkol pa dito, binubuo ng 50% ang mga small at medium scale jewelry enterprises habang 25% lamang ang sakop ng top 10 na pinakamalalaking jewelry chains at manufacturers.

Lumalabas na ang Pilipinas ay pang-25 sa mga highest gold-producing country sa buong mundo na may kabuuang produksyon na 33 tonelada ng ginto noong 2001.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply