Jinggoy: Usapin sa 2016 elections, premature pa

PINABULAANAN nina Senador Francis Escudero at Senate pro-tempore Jinggoy Estrada na may isyung namamagitan sa kanilang dalawa kaugnay sa umano’y pagtatapat nila sa 2016 vice-presidential elections.

Tinawag namang “premature” ni Sen. Estrada ang isyu para pag-usapan ang 2016 dahil nakatuon umano ang kanilang paghahanda sa nalalapit na mid-term elections sa susunod na taon.

Matatandaang sinabi ni dating Pangulong Joseph Estrada na malabo na umanong makapasok sa lineup ng United Nationalist Alliance (UNA) si Escudero dahil hindi umano sila tumatanggap ng “guest candidate.”

Pinabulaanan din ng dating Pangulo na “done deal” na ang tambalan ng kanyang anak na si Jinggoy at ni Vice President Jejomar Binay sa 2016.

Ang UNA ay alyansa ng partido ni Estrada na Puwersa ng Masang Pilipino at PDP-Laban ni Binay.

Maaalala na kumalas na rin noon sa kanyang partido na Nationalist People’s Coalition (NPC) si Escudero matapos itong tumakbong independent noong 2010 elections.

Ang NPC ngayon ay sinasabing may alyansa naman sa Liberal Party, ang partido ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply