Jinkee Pacquiao, aakuin na ang pagiging manager sa Mister

SINCE makialam si Jinkee Pacquiao, marami na ang nawalis sa mga taong nakapaligid noon sa sikat niyang mister na si Manny Pacquiao.

Although may blessings naman ang sikat na pugilist tungkol sa pagpapatsugi sa mga alalay na inabuso raw siya, hindi naman yata tama na pati ‘yung mga inosente at naging tapat naman sa kanilang pagli- lingkod kay Cong. Manny ay palalayasin rin ni Jinkee lalo pa’t marami ring pamilya ang umaasa sa mga ito.

‘Yung isang tao nga na tinanggalan nila ng work, hayun at hindi na raw nakababayad ng upa sa bahay at kuryente sa GENSAN. Ngayo, heto ang latest. Pati raw agency na humahawak sa mga endorsement ni Pacman na kinabibilangan ng daddy ni Enzo Pineda at Jake Joson, plano na ring alisin ni Jinkee at ito na ang siyang magma-manage sa kanyang husband.

Sabi, naghihinayang raw kasi ang soon to be TV host ng bagong talk show sa GMA 7 sa komisyong  kanyang kikitain kapag siya na ang manager ni Manny. Aba!

Kung totoo ang isyung ito, bakit hindi na rin siya  ang pumapel na trainor ni Manny at palitan na niya si Freddie Roach para sa kanya na rin mapunta ang ibinabayad dito ng kanyang husband?

Parang kaybilis-bilis naman makalimot ni Mrs. Pacquiao na noong time na walang-wala sila ni Manny, naranasan rin niyang magmakaawa roon sa cashier ng movie outfit ng mag-asawang Mateo para i-release na ang kakapiranggot ng kanyang asawa sa pelikulang sinamahan nito?

Ganyan ang feeling ng taong walang-wala, tapos gagawin mo ito ngayon sa iyo’ng kapwa? Please, huwag naman gyud!

***
ASAP 2012 puno ng surpresa  sa 30th anniversary ni Martin Nievera sa showbiz

Selebrasyong ‘fit for a royalty’ ang inihanda ng ASAP 2012 last Sunday (Hulyo 29) para sa pagdiriwang ng ika- 30 anibersaryo sa showbiz ng nag-iisang Concert King na si Martin Nievera.

Binigyang buhay ng world-class per formances ng ASAP Kapamilya na pangungunahan nina Gary Valenciano, Vina Morales, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Billy Crawford, Christian Bautista, Erik Santos, Angeline Quinto, Nikki Gil, Richard Poon, Juris, Bamboo, Yeng Constantino, Sitti, at Princess; na sinundan ng espesyal na production numbers nina Gino Padilla, Juan Miguel Salvador, Rachel Alejandro at Verni Varga.

Samantala, umapaw naman ng saya at kilig sa ASAP centerstage sa makapigil-hiningang smash-up dance number ng The Healing lead stars na sina Kim Chiu at Pokwang; sa nakakikilig na panghaharana ng ASAP Boyfriendz na sina Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla; at sa bonggacious na performances sa ASAP segments na  Zone・at  with Love, Gary V!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply