Job fairs ikakasa ng DOLE bago matapos ang Hulyo

BAGO tuluyang matapos ang buwan ng Hulyo ay may mga pahabol pang job fair na isasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, may 17 pang job fairs na isasagawa ang DOLE upang matupad ang 55 job fairs na kanilang inilaan para sa buwang ito.

Hinikayat rin ng Kalihim ang lahat ng mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang nasabing job fairs bago matapos ang buwan.

Nabatid na kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng job fairs ay ang mga sumusunod: NCR: July 20–Marikina Sports Park, Marikina City; South Station II, Muntinlupa City; City Hall, Las Piñas City; July 21– iba’t ibang barangay sa Muntinlupa City; July 23– PESO, Marikina City; PESO, Taguig City Hall; July 25–Brgy. Sta. Ana, Taguig City; July 26–Ampitheater, Malabon City; July 27–PESO, Marikina City; South Station II, Muntinlupa City; July 28– iba pang barangay sa Muntinlupa City; July 30–PESO, Marikina City; PESO Office, Taguig City Hall; Region 2: July 27–Diffun, Quirino; Lal-lo, Cagayan; at Region 10: July 25–City Gymnasium, Gingoog City.

“Job fairs are a part of the DOLE’s employment facilitation program consistent with the aim of President Benigno S. Aquino III, in his 22-point labor and employment agenda, to “address the labor-mismatch problem by promoting better coordination between employers, academia and government through Public Employment Service Offices and and private sector labor market information and exchange institutions.” pahayag ni Baldoz.

Para makita ang kabuuang schedules ng job fair ay maaaring magtungo sa http://phil-job.net.

Habang sa iba namang katanungan ay maaaring tumawag sa mga numerong 527-2453 o 528-0087.Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply