JRU bobombahin ang solong liderato sa NCAA

NAKUHA ang ikatlong consecutive win at mailagay sa pansamantalang solong liderato ang asam ng Jose Rizal University sa pakikiharap kontra Emilio Aguinaldo College sa first round ng 88th NCAA seniors basketball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Parehong nangingibabaw sa ngayon ang JRU Heavy Bombers at ang defending champion San Beda College Red Lions sa barahang 3-0, panalo-talo kasunod ang Generals sa kartadang 1-0.

Maghaharap ang dalawang team sa unang seniors game sa Biyernes ng alas-4:00 ng hapon makaraan ang two games sa juniors division, ang JRU Light Bombers at EAC Brigadiers ng tanghali at ang harapan ng Mapua Red Robins at CSB La Salle Greenhills Junior Blazers ng alas-2:00 ng hapon.

Umaasa si coach Gerald Esplana sa panig ng Generals na madugtungan ang nalasap na unang panalo.

Sa huling laban, determinado ang tropa ni coach Chito Victolero na makabawi buhat sa opening day loss sa kamay ng JRU sa pakikipagtuos sa Blazers ng alas-6:00 ng gabi.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply