Julie Anne San Jose’s music video nakapagtala 42,000 views in 48 hours!

GUMAGAWA na naman ng popularity records ang bagong music video ni Julie Anne San Jose, ang I’ll Be There, na mula sa self titled album niyang Julie Anne San Jose. Aba, nakapag-log-in na sa internet ng over 42 thousand viewers sa loob ng 48 hours sapul nang ilabas ito noong Sunday night, July 8. Ang music video ay idinirek ni Mark Reyes.

Sabi nga ng GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar, “Julie Anne has once again proven her virality online. Her previous video on YouTube has so far garnered close to 15 million views and now we’re looking at thousands of views on her new music video, which was uploaded just the other night. She truly is a singing sensation not just on TV and but also on the worldwide stage offered by the internet.”

Para sa love team nina Julie Anne at Elmo Magalona ay magandang balita ang pagiging popular ni Julie Anne sa music video niya. Mapapansin rin kasi at the same time ang bagong movie nilang malapit nang mapalabas, ang One Just Summer na idinirek naman ni Mac Alejandre.

000

Tunay Na Buhay, mapapanood na tuwing Sabado ng gabi!

PATULOY sa paghahandog ng iba’t ibang life stories na kapupulutan ng aral ang profile magazine program ng GMA 7,ang Tunay Na Buhay, sa bago nitong timeslot tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Imbestigador.

Sa loob ng dalawang taon ay talaga namang inabangan ang mga kuwento ng iba’t ibang personalidad. Mga life stories na nakaaaliw, nakaiintriga, at kahanga-hanga— na tumatak at nag-iwan ng aral sa puso at isipan ng mga manonood.

“Ang Tunay Na Buhay ay nagbigay daan sa mga kuwentong sumasalamin sa atin. In each episode, we continue to find a piece of ourselves to help us become better persons,” ayon sa host ng programa na si Rhea Santos.

Ilan sa mga natatanging episodes ng programa ang Adriano-Lourdes Love Story na kuwento ng dakilang pag-ibig ni Adriano sa asawang si Lourdes na pitong taon nang may kakaibang sakit na Huntington’s Chorea; ang Adan-Eba-Adan na kuwento naman ng isang bading na hairstylist na may-asawa at tatlong anak na nagpasyang magpaka-macho para magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho; at Pamilya Bente Uno na kuwento ni Nanay Amy na may halos dalawang dosenang mga anak; itinampok din ang rags-to-riches story ng isang dating houseboy na sa pagpupunyagi ay itinanghal na kauna-unahang Pinoy Executive Chef sa local hotel industry — si Chef Boy Logro.

Makibahagi sa mga kuwento at aral ng buhay sa Tunay Na Buhay sa bago nitong timeslot simula ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng Imbestigador, sa GMA-7.

000

ITINANGHAL na Best FM Radio Station ang Barangay LS 97.1 TugStugan Na! sa 2012 Yahoo! OMG! Awards.

Gumawa ng kasaysayan ang Barangay LS bilang kauna-unahang istasyon na tumanggap ng nasabing award sa FM band na kinabibilangan ng 26 na himpilan sa Mega Manila at mahigit isang daang istasyon sa buong bansa.

Nagkamit ang flagship FM radio station ng GMA Network ng pinakamaraming boto sa text at online poll na isinagawa ng Yahoo! Philippines. Tinalo nito ang apat pang nominado sa kategorya bilang best FM station.

Umani rin ito ng ikaapat na pinakamaraming text votes sa lahat ng nominado mula sa iba’t ibang kategorya at nakakuha ng 38 porsyento ng boto sa online poll sa loob ng isang buwan na voting period.

Kasama sa kwentuhan at kulitan sa Barangay LS sina Papa Jepoy, Papa Bodjie, Mama Cy, Papa Dudut, Ate Liza, Chikotita, Papa Tolits, Mama Belle, Papa Baldo, Papa Kiko, Papa Obet at Papa Dan. Ilan sa mga top-rating programs ng istasyon ay ang Barangay Love Stories, Talk To Papa at Wanted Sweetheart.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply