Rep. JV Ejercito, Lacierda nag-iringan

SINOPLA ni San Juan Rep. JV Ejercito-Estrada ang pagbatikos ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa kanyang ideya na LP-UNA team-up.

Binigyang diin ngayon ni Estrada na ang kanyang panukalang magsanib-pwersa ang Liberal Party at ang United Nationalist Alliance (UNA) ay malaking pakinabang aniya kay Pangulong Aquino at hindi para sa ilang piling personalidad o poolitiko lamang.

“Beneficial in the sense that it would promote a harmonious spirit between senatorial candidates, and to the country as a whole. I don’t think the proposal was naive since most members of LP and UNA have been taking a common platform for the interest of the Filipino people since the dark days of GMA’s regime.”

Giit pa ni Estrada, ang agarang pagtanggi ni Lacierda sa kanyang ideya at pagbanggit na ang UNA ay maituturing na “team to beat” ay nagkukumpirma lamang na ang LP ay mayroong ekslusibong agenda hanggang sa 2016.

Ani Estrada, ang ipinapanukala niyang koalisyon ay hindi upang maiwasan ang banggaan ng kani-kanilang kandidato sa mga darating na eleksyon kungdi upang magkaroon na ng pagkakaisa at makausad ang bansa.

“Let me remind Lacierda that we are not an opposition party. The purpose was for unity’s sake since UNA has been supportive of the advocacies of the President, even before the 2010 elections and before the formation of our coalition,” ani Estrada.

Nais ni Estrada na gayahin ni Lacierda sina LP Secretary General Joseph Emilio Abaya at Vice President Jejomar Binay na tinanggap ang ideya niya sa halip na maging arogante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply