Kaarawan ng Hari ng Komedya pinaghahandaan

PINAGHAHANDAAN na nang pamilya ni Comedy King Dolphy ang isang maliit na salo-salo sa pagdiriwang ng ika-84 na taong kaarawan sa Hulyo 25 kasabay ng pagkakaroon ng golf tournament sa Tagaytay City na tataguriang “Pidol Cup.”

Sa kabila ng kritikal pa ring kondisyon ni Dolphy, plano rin ng pamilya na magkaroon din sila ng “get-together party” sa mismong kaarawan ng kanilang ama, lumabas man o patuloy na manatili sa Makati Medical Center (MMC) ang kanilang ama.

Batay sa pinakahuling medical bulletin ng Comedy King kagabi, sinabi ng kanyang mga manggagamot na hindi pa nila mapapahintulutan na mailipat sa regular na silid ang pasyente dahil sa muling pagkakaroon nito ng pneumonia.

Sa kabila nito, tiniyak ng mga doktor na nagiging “responsive” o tumutugon naman si Dolphy sa mga ibinibigay nilang mga gamot na palatandaang nagkakaroon ng pagbabago ang kanyang kalusugan.

Napag-alaman na magdamag kahapon na hindi na isinailalim sa dialysis at blood transfusion ang Comedy King dahil gumagana na ng bahagya ang kanyang kidney at nakatutulong upang maalis ang mga toxins sa kanyang dugo.

Gayunman, patuloy pa ring mino-monitor ng mga doktor kung kakayanin na ng kidney ni Dolphy ang pag-aalis ng mga toxins o kinakailangan siyang muling isailalim sa dialysis kaya’t dapat muna siyang manatili sa intensive care unit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply