Kabaong ni Dolphy di isinakay ng karwahe

IMBES isakay sa karwahe, inilakad na lamang ng mga miyembro ng pamilya Quizon na pinangungunahan ng kabiyak nito na si Zha Zha Padilla ang kabaong ng mamayapang Hari ng Komedya na si Rodolfo Vera Quizon alyas Dolphy sa huling hantungan nito sa Heritage Park sa Taguig.

Pero dahil umaambon, halos ng mga makikipaglibing na umabot din sa daan-daan ang bilang ay gumamit ng malalaking payong para makapagkubli sa mga patak ng ulan.

Bago, ipasok sa kanyang puntod, muling binuksan ang gintong kabaong ng Hari ng Komedya para sa huling pagkakataon ay muli pang makita ng mga miyembro ng pamilya Quizon ang kanilang mahal sa buhay.

Isa sa mga anak ni Pidol na hindi makilala dahil nakatalikod ito ang nakitang pinupog na halik ang salamin ng kabaong ng amang namayapa. Ilan din sa mga kasamahan sa showbiz ang sumilip sa kabaong ni Pidol para sa huling pagkakataon ay makapagpaalam sa kanilang idol.

Nakita rin si Vandolph na tila kinakausap pa ang ama bago hinalikan ang salamin ng kabaong.

Habang isinusulat ang balitang ito, huling nakitang sumilip si Zha Zha kasama ang dalawang anak na dalaga pero iba ang ginawa nito dahil inilapat nito ang kanyag kanang pisngi sa salamin sa kabong ng kabiyak.

Eksaktong alas 3 ng  hapon, naipasok na ang labi ni Comedy King Dolphy sa kanyang kulay itim na puntod sa The Heritage Park sa Taguig.
Pero gaya nang inasahan, hindi muna agad isinara ang saraduhan ng puntod ni Dolphy dahil nagsialay pa muna ng mga bulaklak ang karamihan sa mga nakipaglibing kabilang na ang pamilya Quizon at mga kaibigan sa showbiz bilang pagbibigay ng huling respeto sa namayapang Hari ng Komedya.
Ipinanawagan naman ng isang pari na huwag umiyak at sa halip ay magsaya dahil ayaw ni Dolphy na may umiiyak sa kanyang pagkawala.
Matapos magpalakpakan at maghitawan sa tuwa ang mga nagsipaglibing , tinawag ng naturang pari si Zha Zha para magsalita.
Pinasalamatan ni Zha Zha ang lahat ng mga nakipaglibing at muling nagpaalam sa kanyang namayapang mister.
Pagkatapos nito, sinenyasan na ni Eric na isara na ang nitso ng kanyang ama pero halos wala pa ring gumagalaw para umaalis sa naturang parke.
Nakita rin na nilagyan na ng semento ang gilid ng nitso ni Dolphy bilang hudyat ng pagsasara nito.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply