Kabastusan ng LBC at ginagago si General Melad

DAHIL hindi kaagad lumabas ng gate para asikasuhin ang kumakatok na “courier” ng LBC, pinagmumura nito ang isang ginang.

Ang insidente ay pormal na inireklamo kay Joanne Mae G. Romero (HR – SLC) ng Imus LBC noon pang Hulyo 12 ngunit hanggang ngayon ay wala itong balita.

Kaya naman pala malakas ang loob ng mga tauhan ng LBC na pagmumurahin ang kanilang kliyente dahil sa pangungunsinti ng kanilang mga opisyal.

Kaya nga payo ko sa aking mga kaibigan, “kung ayaw ninyong makatikim ng mura ang padadalhan ninyo ng sulat o anomang package ay huwag kayong magpadala sa LBC! Dahil para lang kayong nagbayad na mabastos!

Sandali, parekoy, kumusta na nga pala ang katarantaduhan sa pagsasara ng LBC bank?

Bakit nakadududang katahimikan yata ang tanging tugon ng mga taga-BSP?

Uuriratin natin ito, pramis!

-o0o-

TAPAT si C/Supt. James Melad, PNP Regional Director ng Region 4-A.  ‘Yan, parekoy, ang personal kong paniwala nang ipag-utos nito sa Provincial Directors niya na tuluyan nang ipatigil ang iligal na sugal sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Pero sa kasalukuyang ulat hinggil sa reklamo ng isang gobernador, mistulang tsinutsubibo si Gen. Melad ng mga nagsasabwatan niyang opisyal!

Isang Dodjie Lacierda kasi na inuutusan umano ni “Musmos” ang walang humpay sa pangungulekta sa mga iligalistang sina Totoy Haruta, Dante Alvarez at Vic Seaman sa Laguna at Roger Duling sa Batangas at sa iba pang iligalista sa Cavite, Rizal at Quezon.

Tsk, tsk, tsk, dapat sigurong paimbestigahan ito ni Gen. Melad dahil hindi lamang ito kawalang respeto.

Maaaring inililigwak ka na, sir, ng ilan mong tauhan para tuluyan ka nang mapalayas dyan sa Region 4-A.

Ang masakit, parekoy, bitbit ni Dodjie Lacierda ang pangalan ng pinsan umano niya sa Malakanyang kaya hindi siya matibag-tibag!

Hindi naman tayo naniniwala na si Sec. Edwin Lacierda ang kanyang pinsan!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply