Kabayong hihila sa karwahe ng kabaong ni Dolphy, natigok

KAYA pala hindi na naisakay ang kabaong ni Dolphy sa karwahe para dalhin ito sa kanyang nitso sa The Heritage Park sa Taguig City nitong Linggo ng hapon, dahil namatay ang kabayong hihila rito.

Ito ang paliwanag ng pamunuan ng Heritage Park kung bakit hindi na ginamitan ng karwahe ang libing kahapon ni Comedy King Dolphy para isakay ang bronze casket sa kanyang nitso.

Ilang oras bago ang libing ni Dolphy nitong Linggo ng hapon ay namatay ang kabayo na hihila sana sa karwahe ng hari ng komedya patungo sa kanyang huling hantungan.

Dahil dito, agad na nagbago ng plano ang pamilya Quizon at napagkasunduan na hihilahin na lamang ang ataul na nakapatong sa de-gulong na aparato.

Kabilang sa mga humila at mistulang humalili sa nasawing kabayo sina Manny at Eric Quizon, Manila Mayor Alfredo Lim, ilang kaanak at mga tauhan ng Heritage Park.

Hindi naman  nabanggit ng pamunuan ng Heritage Park  kung ano ang dahlia kung bakit namatay bigla ang naturang kabayo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply