Kable tangkang nakawin, kelot nakuryente

AGAD namatay ang isang lalaki nang makuryente sa isang kable ng kuryente na tangka sana nitong nakawin sa Barangay Cabaroan, bayan ng Bacnotan, La Union, kagabi (Hulyo 24).

Kinilala ang namatay na si Lito Rubang, taga-Barangay Bumbuneg, bayan ng San Gabriel ng lalawigan.

Sa report, nagtungo si Rubang, kasama ang pamangkin na si Kuis La Onor sa bahay ng isa pa nilang kamag-anak sa Barangay Cabaroan para mangutang ng pera na ipanghuhulog sana motorsiklo.

Naiwan umano sa kalsada si Luis para bantayan ang kanilang sasakyan ngunit nagtaka ito nang hindi na bumalik ang tiyuhin.

Nalaman na lang ni Luis sa kanilang mga kamag-anak na patay na ang kanyang tiyuhin at nakitang nakabulagta sa kanal na malapit sa tahanan ng isang Junior Licos.

Nakuha naman sa lugar ang isang cutter sa pinaniniwalaang ginamit ni Rubang para putulin ang kable ng kuryente ngunit nakuryente ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply