Kagawad tiklo sa pagdadala ng iligal na troso

LA UNION – Isang barangay kagawad sa Pugo ng nasabing lalawigan ang inaresto ng pinagsanib na local police at opisyal ng Department of Environment and Natural Resource Region 1 (DENR-R1) matapos itong mahulihan ng mga illegal logs.

Ang suspect ay nakilalang si Jun Aras, ng Barangay Ambangonan, Pugo, La Union.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakumpiska ng mga operatiba ang mahigit kumulang ng 600 board feet na nagkakahalaga ng kulang-kulang na P50,000.

Ayon kay Pugo Philippine National Police (PNP) officer-in-charge chief of police Chief Inspector Reynaldo Lisardo, naaresto ang suspect sa pamamagitan ng isang checkpoint sa nasabing bayan.

Ang mga na tistis na kahoy ay nakatakda umanong dadalhin sa Baguio City upang gawing antique furniture.

Nang hanapan ng mga awtoridad ang mga legal papers ng mga kahoy wala maipakita ang suspect.

Sa kasalukuyan, ang mga nasabing kahoy ay nasa custody na ng DENR-R1.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply