Kahabaan ng Edsa Avenue pinabendisyunan

PINABENDISYUNAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kahabaan ng magkabilang lane ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino na mahalaga na mabasbasan ang lugar kung saan maraming aksidente ang naitala at maraming buhay ang nawala.

Batay sa datos ng MMDA, unang bahagi pa lamang ng 2012 (Enero – Hunyo) mahigit 5,000 aksidente na ang naitala sa Kalakhang Maynila kung saan 600 dito ang namatay at 2,376 ang nasaktan.

Nabatid na isusunod na pababasbasan ay ang tinaguriang Killer Highway, Commonwealth Avenue, sa oras na matapos ang ginagawang bus separator doon.

Sinabi ni Tolentino na mahalaga ang gabay mula sa “Itaas” ngunit mahalaga ring magkaroon ng disiplina ang mga motorista upang maiwasan ang anomang aksidente sa kalsada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply