Kahit patay iniintriga ni Manang Cristy Fermin

TAMA ba namang gamit-gamitin pa ni Manang Cristy Fermin sa kanyang kolum sa isang tabloid si tito Dolphy?

Marami namang buhay riyan na pwede niyang pagtripan sa kanyang lait-puri’t harbat (Lait-puri’t-harbat daw, o! Hahahahaha! – Ed) na kolum, bakit pati ang kamamatay pa lang na King of Comedy ay idinadamay ng Orocana at os-lang TV host na ito?

Last Saturday, head title sa kanyang pitak na Most Wanted ito: Kahit napayaman na nang husto ang Dos, tsinugi pa rin! Tapos using galore din siya sa hirit daw ni ‘Nay Sharon Cuneta na Dolphy, kinuha pa rin ng Singko kahit mahina na. Excuse me! sa pahayag na ‘yun ni mega wala siyang ibig sabihin rito.

Kaya lang, ito kasing si Manang Cristy mahilig maglagay ng malisya. Obvious naman na bitter pa rin siya hanggang ngayon kaya kung anu-anong mga paninira ang pinapakawalan nito laban sa ABS-CBN, ang network na nagpala sa kanya noon.

Correction, Manang talingharap, hindi po tsinugi ng Kapamilya Network si Tito Dolphy. Siya po ang kusang umalis na nirespeto naman ng mga Bossing ng istasyon.

Kaya nga sa kanya ipinangalan ‘yung Dolphy Theater na makikita sa loob ng compound ng ABS-CBN ay dahil mahalaga ang beteranong komedyante sa istasyong ito kung saan ang matandang Lopez na si late Genie ang kumuha sa kanya.

You, talaga, Manang Cristy, hanggang ngayon wala ka pa ring pagbabago puro ka ilusyones! Mag-behave ka na gyud dahil gurang ka na.

***

Aryana, ni Ella Cruz pasok sa top 10 overall TV programs

HOOK na hook na ang buong sambayanan sa magical ‘tail’ ng Primetime Bida fantaserye ng ABS-CBN na Aryana na pinagbibidahan ng teen star na si Ella Cruz. Patunay rito ang pinakahuling datos ng Kantar Media para sa buwan ng Hunyo kung saan pumasok ito sa top 10 overall TV programs ng Pilipinas, taglay ang average national TV rating na 22.4%.

Tulad ng mga avid viewers nito, maging ang tween mermaid ng primetime TV ay tuwang-tuwa rin sa kanyang role na ngayon ay nag-transform na bilang isang sirena. Aniya, “Ang sarap-sarap po sa pakiramdam na makita ‘yung ganda ng mundo sa ilalim ng tubig kasi pakiramdam ko, kabilang din ako sa kanila.” Ayon pa kay Ella, sa kabila ng mga nakapapagod (Hayan, Ferminata Lukresya, salitang ugat ang inuulit, tonta! Hahahahahaha! – Ed) na eksena na kanilang kinunan sa ilalim ng tuig ay masayang masaya pa rin siya. “Hindi naman po ako nahihirapan kasi na-eenjoy ko po talaga ang pagiging mermaid. Parang panaginip na nagkatotoo.”

Samantala, patuloy na tutukan ang mas kapanapanabik na kwento ni Aryana at tuklasin ang iba pang pagbabago na kanyang haharapin ngayong isa na siyang sirena. Paano matutulungan ni Hubert (Dom Roque) si Aryana matapos nitong aminin ang tunay na nararamdaman para sa kanya? Ano ang gagawin ni Ofelia (Pokwang) sa oras na bawiin na ni Neptuna (Desiree del Valle) ang kanyang anak? Ngayong unti-unti na niyang natatanggap ang pagiging isang sirena, tatalikuran na ba ni Aryana ang buhay ng isang normal na tao? Huwag palampasin ang Aryana, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag TV Patrol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply