Kahit sinuspinde: Bus ng Don Mariano bumibiyahe pa rin

PATULOY pa rin sa pagbiyahe ang mga bus ng Don Mariano Transit Corporation ngayong umaga kahit pa sinuspunde na ang may 21 bus kahapon (Hulyo 5) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinuspinde ang 21 units ng kompanya makaraang masangkot sa aksidente ang isa nitong bus sa Ortigas flyover kamakailan.

Ayon sa monitoring sa radyo, nabatid na simula kaninang alas-5:00 ng madaling araw, hindi bababa sa 10 units ng Don Mariano ang namataang bumabaybay sa southbound lane ng EDSA na karamihan ay dumadaan sa Kamuning flyover.

Hindi naman malinaw sa publiko kung aling bus units ng naturang kompanya ang sinuspinde ng LTFRB.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply