Kahit suspindido ang hepe: High moral ng PCG nananatili

SA KABILA nang pagpapatupad ng Sandiganbayan ng 90 days suspension sa pinuno ng Philippine Coast Guard (PCG) ay nananatili pa rin umano ang high moral ng mga operatiba ng nasabing ahensya.

Ayon kay Lt.Cmdr. Armand Balilio, tagapagsalita ng PCG, na tuloy lamang ang kanilang operasyon at pagbabantay sa malawak na karagatan sa palibot ng teritoryo ng bansa.

Kasama na umano rito ang pagbabantay sa namumuong sama ng panahon na papasok na naman sa Philippine area of responsibility.

Sa pagkakasuspinde ng pinuno ng PCG, pansamantala namang pamumunuan ni Rear Admiral Luis Toazon Jr., ang kagawaran habang abala si Vice Admiral Edmund Tan sa pagharap sa pagdinig sa Sandiganbayan.

Sa katunayan, pinasimulan muli ng PCG nito lamang Sabado ang recruitment sa Cebu na susundan sa Cagayan de Oro, Davao at sa iba pang Philippine coast sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Balilio, ito ay upang punan ang malaking pangangailangan para sa rescue team sa ating bansa na dinadalaw ng mahigit 20 bagyo kada taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply