Kahit wanted ang fadir: Sosyalerang celebrity puro gimik at walang pakialam sa ama

ASAR ang iba kapag nakikita ang celebrity na ‘to na wala nang ginawa sa buhay kundi ang gumimik kasama ang kanyang papang aktor-aktoran na hindi pa man sumisikat ay nalaos na. Ang hitad pa raw ang gumagastos sa papa niyang itetch, huh! Kaasar dahil parang wala raw nangyayari sa buhay nitech. Samantalang ang kanyang fadir ay wanted sa mga awtoridad at kasalakuyang nagtatago sa kung saang lupalop ng mundo.

Aba’y kung humalakhak daw ito at makipagsosyalan sa kanyang mga amiga ay parang wala nang bukas. Hindi man lang alintana ang seryosong kasong kinahaharap ng kanyang mahal sa buhay. Gayong ang lahat daw nang karangyaang tinatamasa niya ngayon ay galing sa kanyang problemadong erpats.

Hindi na raw nahiya ang lekat. Very proud siya sa kanyang sarili pero ang kaso ng kanyang dad ay panghaharbat sa datung ng iba? Sus ginoo!

May gana pa siyang maglakad nang diretso gayong kung laitin siya sa internet ay hitsurang pinapatay na siya dahil sa nagawang panglalamang ng kanyang faderaka sa kanyang kapwa?

Sino s’ya? Ang makahula, pakikurot na lang siya sa singit. Hehehe!

***

Bisaya umatras kay Amalia

SABI’Y naduwag daw si Annabelle Rama kay Amalia Fuentes dahil hindi ito tumuloy sa Quezon City Prosecutor’s Office kung saan naunang dumating ang huli at hinintay siya. Hanggang sa baba lang daw ng gusali si Annabelle. Hindi ito dumiretso sa sala ng piskalya nang malaman umano nitong nauna na roon ang nagsampa sa kanya ng kasong libel. Nag-about-face itetch at bumalik sa kanyang sasakyan at tumalilis na. Dapat ay magsa-submit si Bisaya nang kanyang counter affidavit at papanumpaan niya ito.

Well, hindi naman siguro natakot ang kontrobersyal na manager, umiiwas lamang siya sa panibagong gulong mangyayari dahil hindi pa nga natatapos ang ingay na nilikha niya sa burol ng Comedy King kung saan hinabol niya nang saksak si Chito Alcid.

Ang tsika sa amin, isusumite raw nG nanay nina Ruffa Gutierrez ang counter affidavit nito sa tamang panahon at pagkakataon iyong hindi sila magpapang-abot ni Amalia.

***

Hahataw si Paula Bianca sa BROS & BRAS

ANG three-in-one musical event na Bros & Bras na magaganap sa July 21, 10:00 p.m. sa Sirkoh, Morato ay katatampukan ng the Sexbomb Dancers, Duncan Ramos, Jimmy Bondoc and Luke Mijares. At sa bawat segment ay magpapakitang gilas naman sina Prima Diva Billy, Mico Aytona, Paula Bianca, Michael Pangilinan at meron ding special performance ang komedyanteng si Boobsie Wonderland.

Ang ibig sabihin ng Bros & Bras nga pala ay tungkol sa mga lalaki at babaeng magpe-perform sa show. Hindi po uulan dito ng bra. Hahaha!

Anyway, ang show na ‘to ay produced ni kaibigang Jobert Sucaldito katuwang sina Glen Magnifico at Roi de Leon for the benefit of Sinag-Tanglaw Foundation.

Abangan n’yo rito si Paula dahil makikipagrakrakan siya. Ipakikita n”ya kung bakit siya nanalo sa 3rd Tambayan 101.9 OPM Awards 2012 bilang Best New Artist at ma-nominate nang tatlong kategorya sa 4th PMPC Star Awards for Music na magaganap sa September.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply