Kaisa-isang ligal na anak ipinamahagi ang mamanahin sa mga kapatid

NAPAKABAIT ng dalagang ito. Hindi niya kinuha ang fifty-percent na mamanahin sa namayapang amang taga-showbiz. Bagkus, isinama niya ito sa kalahating porsiyentong natitira at nakihati na lamang doon. Aniya, sapat na ang pinag-aral siya ng kanyang ama sa Australia. Ngayon may magandang trabaho na siya sa naturang bansa.

Laking pasasalamat naman daw sa kanya ng mga kapatid nito dahil hindi siya naging sakim sa kayamanan.

Hindi nito sinamantala ang pagiging kaisa-isang legal na anak.

Nangyari umano ang pamamahagi nang mga ari-arian bago ang pagpanaw ng celebrity. Bawat naging pamilya ng una ay may representante sa pagpupulong. At doon nga naganap ang pagtanggi ng mabait na anak sa malaking manang makukuha niya.

Kahanga-hanga ang dalagang ito. Bihira ang ganyang tao, lalo na sa panahong ito na pera-pera na lang ang labanan at kokonti na lang ang may mabuting puso. Minana niya ang kabaitan ng kanyang tatay.

***

Bisaya humingi ng paumanhin kay Zsa Zsa at sa pamilya Quizon

MAY nangyari palang kaguluhan sa isang room ng The Heritage Park na kalapit-kuwarto lang ng pinagbuburulan ng Comedy King. Ang mga pasaway na involve ay sina Annabelle Rama at Chito Alcid. Nagkaroon daw ng habulan at talakan.

Sa version ni Chito, siya ay hinabol ni Annabelle at nagpaikot-ikot sila sa kuwartong iyon habang nakamasid sa kanila ang napakaraming artista sampu ng mga dating artista ng Sampaguita Pictures. May dala raw panusok ang talent manager at gusto raw talagang gripuhan sa tagiliran ang nasabing reporter. Mabuti na lamang at nasaway sila ni Gov. Chavit Singson. Pero bago raw naawat ang dalawa ay nahampas na ng bag si Alcid.

Plano nang manunulat na ihabla ang nanay nina Ruffa Gutierrez sa kasong Frustrated Murder at Libel dahil tinawag daw siyang bugaw.

Sus ginoo! Kaagad namang humingi nang paumanhin si Ms. Annabelle sa kanyang Twitter account sa pamilya Quizon at kay Zsa Zsa Padilla. “To Zsa Zsa and the Quizon family, I am so sorry for what had happened at the dining area of the Heritage. I was provoked by a fake reporter.”

Ayon sa kampo ng talent manager, si Chito raw kasi ay nagpakita nang kaaskadan ng pagmumukha kay Bisaya at tatame-tameme pa ito kaya naasar ang huli at uminit ang ulo nito.

Kung saka-sakali, saan naman kaya idedemanda ng writer ang mataray na manager, sa Mindanao kaya o Bicol?

Nauna na kasi siyang kinasuhan ng huli sa Cebu na parte ng Visayas region.

***

Paula Bianca marami na ang nakapapansin s galing sa pagkanta

“TO THOSE who are free and want to have an awesome night of good music, I will be performing with some of our best OPM artists on July 21, 2012 (Saturday) 10pm at Zirkoh, Tomas Morato, Q.C,” panawagan ni Paula Bianca para sa nalalapit na show.

Nakatutuwa dahil ang kilalang kolumnista, prodyuser at PRO ng mga kilalang tao sa pulitika at showbiz na si kaibigang Jobert Sucaldito ay napahanga rin ni Paula sa kanyang galing sa pagkanta kaya hindi ito nag-atubiling isama siya sa project nito.

Ang nasabing show ay pruduced ng Front Desk Entertainment Production in cooperation with Sinag Tanglaw Foundation Inc. Ang mga performers ay sina: Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Luke Mijares, Bros and Bras, Sexbom Dancers, Mico Aytona, Prima Diva Billy, Michael Pangilinan, Boobsie at siyempre si Paula.

Tickets are available via https://www.smtickets.com/event/view/808 (VIP – Php2,000, Balcony Php 1,000) and on venue.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maaari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply