Kaligtasan sa kalsada, trapiko isinusulong sa Kamara

PANAHON na upang isama sa kurikulom ng elementary at sekundarya ang pag-aaral ukol sa kaligtasan sa kalsada at trapiko.

Isinusulong ng mga mambabatas na sina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) at Maximo Rodriguez, Jr. (Party List, Abante Mindanao) ang House Bill 6098 o Road Courtesy, Discipline and Traffic Safety Education Act.

Nakapaloob sa panukala na dapat isama sa curriculum ng mga bata sa eskuwela, maging pribado o public schools, ang pagtuturo ukol sa Road and Traffic Safety Education.

Pangunahing layunin nito na mapasimulan ng maaga sa mga kabataan ang disiplina, road courtesy, kaalaman at pagsunod sa mga batas trapiko.

Ibinase ng mambabatas ang kanyang panukala sa ulat ng World Health  Organization (WHO) noong 2004 na 2.2 prosiyento o ika9 na pangunahing sanhi nang pagkamatay ang aksidente sa trapiko.

Sa pagtataya ng WHO  sa taong  2030, tataas pa ng 3.5% ang insidente kung saan mailalagay sa ika-5 pangunahing sanhi ng pagkamatay kasunod ng sakit sa puso, cerebrovascular disease, chronic obstructivepulmonary disease at lower respiratory infections ng tao.

“In the Philippines, the WHO reported last April 2011, that road traffic accident deaths reached 8,175 or 1.94% of total deaths,” ani Rodriguez.

Ayon sa mambabatas, patuloy na tumataas ang bilang ng aksidente ng trapiko sa bansa na sanhi na rin sa hindi pagsunod sa batas trapiko o kawalan ng kaalaman ukol ditto.

Nakapaloob sa panukala na ang Road, Courtesy, discipline and Traffic Safety Education ay isasama sa school curriculum mula Grade 1 hanggang 4th Year High School.

Kabilang sa magiging paksa nito ang traffic signs, ibig sabihin nito at obligasyon ng  pedestrians, karapatan at obligasyon ng drivers, may-ari ng sasakyan maging para sa private o public transport, at multa at parusa sa mga lumabag.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply