Kaltas sa badyet ng Comelec, binanatan ng mambabatas

HINDI dapat payagan si Budget Secretary Butch Abad na basta na lamang magbawas ng budget ng Comelecd ng hindi nagpapaliwanag, ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay

Ginawa ni Magsaysay ang pahayag bunsod nang bangayan sa pagitan ni Abad at Comelec Chairman Sixto Brillantes matapos kaltasan ng P5 bilyon ang badyet ng ahensya.

Nauna rito, sinabi na ni Brillantes na kung hindi maibabalik ang budget ng Comelec sa P13 bilyon tulad ng unang napagkasunduan ay maaring bumalik ang bansa sa manual elections, na hindi magiging mabuti para sa magaganap na eleksiyon sa susunod na taon.

“Election year ang 2013 at mahalaga sa Comelec ang magkaroon ng sapat na pondo upang magkaroon tayo ng isang malinis at episyenteng halalan. Yan naman ang gusto ng lahat at iyan din ang ipinag utos sa Comelec, pero paano nila ito magagawa kung wala silang suporta mula sa pamahalaan?”

Ani Magsaysay, dapat ay itigil na ni Abad ang pagko-kontrol sa pondo lalo’t kung mahalaga ang paggamitan nito tulad ng pagsisiguro ng isang malinis na halalan. Idinagdag pa ng mambababatas na suportado niya ang Comelec sa hiling na maibalik sa kanila ang budget na naaayon para magawa nila ang kanilang tungkulin.

“Hindi natin pwedeng ihalintulad ang national budget sa isang grocery list na pwede nating basta basta na lamang i-adjust kapag tayo ay nasa supermarket na. Bawat galaw ay kailangang pag-isipan dahil mayroon itong magiging epekto sa kabuuan. Ipinaliwanag na ni Brillantes na ang pondong natipid tulad ng kanilang sinabi ay ginagamit para sa serbisyo na kailangan bilang paghahanda sa halalan. Saan naman kukunin ang pondong ibinawas sa Comelec kung ang sinasabi nilang savings ay hindi naman pala pwedeng gamitin?”

Noong nakaraang lingo, nag anunsiyo din si Abad na hindi bibigyan ng PDAF ang mga kongresistang miyembro ng oposisyon sa ikatlong sunod na taon. Ito ay mangangahulugan na hindi na naman mabibigyan ng pondo para sa mga mahahalagang proyekto ang mga distritong pinangangasiwaan ng mga itinuturing na kalaban ng administrasyon sa politika.

“May karapatan ang bawat mambabatas sa PDAF dahil sila ang may mandato na gamitin ang mga pondo para sa mga proyekto na makatutulong sa kanilang distrito. Ang pagtanggal ng karapatang ito lalo na dahil sa politika ay labag sa batas kaya’t hindi dapat mangyari ito. Karapatan ng bawat Pilipino na nagbabayad ng buwis ang mapaglingkuran ng pamahalaan kahit ano mang distrito siya mapabilang,” ani Magsaysay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply