Kamara kinalampag ni Pangulong Noynoy

KINALAMPAG ni Pangulong Aquino ang Kongreso na ipasa na sa lalong madaling panahon ang Mining Act, Anti-Money Laundering Act at ang Responsible Parenthood Bill.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address, na tumagal ng isang oras at 31 minuto at umani ng 120 palakpak, tahasang sinabi ni Pangulong Aquino na “sa taon din pong ito, masisimot na rin ang 61.7 million na backlog sa textbook upang maabot na, sa wakas, ang one is to one ratio ng aklat sa mag-aaral. Sana nga po, ngayong paubos na ang backlog sa edukasyon, sikapin nating huwag uling magka-backlog dahil sa dami ng estudyante. Sa tingin ko po, Responsible Parenthood ang sagot dito.“

Hindi naman napigilan ng mga kongresistang sumusuporta sa RH bill na tumayo at pumalakpak matapos banggitin ng pangulo kabilang sina Iloilo Rep. janet Garin, Pangasinan Rep. Kimi Cojuanco at Batanes Rep. Henedina Abad.

Lubos ang pananalig ng pangulo kay Education Secretary Luistro na “Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. Ang minana po nating 2,573,212 na backlog sa upuan, tuluyan na rin nating matutugunan bago matapos ang 2012.”

Binanggit din ng pangulo ang mga dating kasamahan sa Kamara na sina TESDA Director-General Joel Villanueva dahil sa mahusay na pamamalakad sa kanyang kagawaran, gayundin si Regional Director Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na tinawag pa ng presidente bilang “certified ghostbuster” matapos  linisin ang listahan ng botante sa rehiyon.

“Limampu’t limang ghost entry ang tinanggal sa payroll. Ang dating paulit-ulit na pagsasaboy ng graba sa kalsada para lang pagkakitaan ng pera, bawal na. Wala nang cash advance sa mga ahensya, para maiwasan ang pagsasamantala. Ang mga multo sa voters list, mapapatahimik na ang kaluluwa. Kaya nga po kay OIC Gov. Mujiv Hataman, ang masasabi natin: isa ka nang certified ghost buster.”

Natapos ang talumpati ng pangulo ng alas 5:31 ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply