Kamote, pampababa ng cholesterol

DAHIL sa tumataas na presyo ng medisina , natuklasan ng siyensya na bukod sa sustansyang taglay ng kamote ay mainam din ito na pampababa ng kolesterol.

Batay sa ginawang pagsusuri ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) sa anim na lamang-ugat tulad ng kamote, kamoteng-kahoy, gabi, ube at tugi, ang kamote at kamoteng kahoy ay may mahalagang epekto sa total blood cholesterol levels.

Ang kamote ay isa sa malimit itanim dito sa Pilipinas dahil ito ay tinuturing na isa rin sa mga pagkain o staple food gaya ng kanin at tinapay. Bukod sa ginagamit na pambakod, ang kamoteng kahoy isa sa ginagamit na pamatay gutom.

Ang kamote ay mayaman sa carbohydrates at carotene (katumbas ng bitamina A) depende sa kulay nito.

Ang dilaw na kamote ay mayaman sa carotene kumpara sa puti at kulaylila. Samantala ang puting uri ng kamote ay mas mayaman sa kalsyum kaysa dilaw na uri.

Mas mataas din ang taglay na iron at bitamina C ang puting kamote kaysa dilaw na uri.

Ang lilang kamote ay may pinakamataas na taglay na bitamina kaysa sa dilaw at puti na uri.

Nakasaad sa Gabay para sa Wastong Nutrisyon ng mga Pilipino na kumain na mas maraming gulay, prutas at lamang-ugat.

Laging tandaan na ang kamote ay di lamang masustansya ngunit mura rin ito kaya ipinapayo ng pamahalaan na ugaliing magtanim ng anumang lamang ugat sakaling may bakanteng lupa na mapagtataniman.


Leave a Reply

*
SINO KAYA MATANGGAL SA SASY FLOP HAHAH WAWA MAWALA...
NYAHAHAH MASAKIT TANGAPIN NA TALUNAN KUNG ANO ANON...
nyahahahaha ' kapay' Ilusyon mo lang yan,,,may mag...
KAPAY KAPAY EASY EASY KA LANG .. HAHAHAH NAGLAWAY ...
NYAHAHAHAHA WAHAHAHA KAPAY KAPAY EASY EASY ANG HIG...
PINAGMALAKING MO SEGMENT NA KAKAIBA KUNO STD BUHKE...
AGUYYYYYY AGUY REFORMAT NA ANG ALL STARLETS PARTY ...
Si junior ang composer ng yakap, english ang orig,...
nyahahahah siyempre naman para lalong gumanda ...
nyahahahahah ayy talaga,,sure ka bang binenta nila...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.