Kampanilya patutunugin ng mga guro para itaas ang sahod

SABAY-SABAY na patutunugin ng mga public school teacher ang mga kampanilya ng kanilang paaralan bilang panawagan upang itaas ang kanilang sweldo, ito ang pahayag ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio.

Ani Tinio, lahat ng titser sa buong bansa ay makikiisa sa nasabing “School Bell Ringing Day for Salary Upgrading.”

Bilan suporta, mismong si Tinio ang magpapatunog ng kampanilya ng Batasan National High School dakong alas-dose ng tanghali, sa loob ng 15  minuto.

Hiling ng mga titser na i-upgrade sa Salary Grade (SG) 15 ang kasalukuyang SG 11 minimum monthly pay ng public school teachers.

Kung maipatutupad ito, magiging P24,887 kada buwan ang entry-level ng mga titser sa halip na ang kasalukuyang P18,549.

Papayagan din umano ang mga estudiyanteng mag-ingay bilang suporta sa kanilang mga guro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply