Kapalit ni De Lima sa JBC itinalaga na ni PNoy

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Office of Special Concerns Undersecretary Atty. Michael Musngi bilang kapalit ni Justice Secretary Leila de Lima, bilang miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

Si Usec. Musngi ang magiging kinatawan ng Executive Branch  sa deliberasyon  ng JBC sa pagpili ng mga nominado sa posisyong binakante ng napatalsik na Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Kaugnay nito, lumiham si Pangulong Aquino kay JBC Ex-Officio Chairman Justice Antonio T. Carpio para sa pagtatalaga kay Usec. Musngi.

Ang liham ni Pangulong Aquino kay Carpio ay may petsang Hulyo 19, 2012

Nagdesisyon ang Punong Ehekutibo na palitan na si de Lima nang tanggapin ng huli ang nominasyon bilang kapalit ni Corona.

Tugon din ito sa naging pagsang-ayon ng Council sa liham ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.  na may petsang Hulyo 17, 2012 na pinahihintulutan siya ni Pangulong Aquino  na maghanap na ng kakatawan sa Executive Branch sa naturang deliberasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply