Kapalmuks si Rep. Tupaz at iligalista sa Baguio

SA desisyon ng Korte Suprema na isa lang dapat ang kinatawan sa Judicial and Bar Council mula sa Kongreso, napilitang magparaya ang isa kina Sen. Chiz Escudero at Iloilo Rep. Niel Tupaz.

Ang JBC, parekoy, ang kasalukuyang bumubulatlat sa lahat ng nominado at sila rin ang magrerekomenda kay PNoy kung sino ang ma-giging kapalit ni Corona bilang Chief Justice ng SC.

Ang masakit, si Escudero na isang Senador na inihalal ng mga tao mula sa buong bansa ang nagparaya kay Rep. Tupaz na inihalal mula lamang sa kanyang distrito sa Iloilo.

Si Tupaz ay hindi nahiyang umupo sa JBC gayung kitang kita ng buong bansa bilang pangunahing tagausig sa pinatalsik na dating Chief Justice, samantalang si Sen. Escudero ay nagsilbi lamang na hukom.

Si Tupaz ay hindi nahiyang umupo sa JBC gayung hindi muna niya inilalahad kung ano na ang resulta ng kasong “Graft and Corruption” na nakabinbin sa Sandiganbayan samantalang si Sen. Escudero ay mali-nis at walang asunto.

Si Tupaz ay hindi nahiyang umupo sa JBC gayung hindi muna niya nililinaw ang napaulat na pagkukustodiya niya sa isang “bigtime” Taiwanese na wanted sa kanilang bansa, samantalang si Sen. Escudero ay walang ganitong isyu.

Si Tupaz ay hindi nahiyang umupo sa JBC gayung hindi siya nagbigay ng “waiver” para patunayang malinis ang kanyang mga ari-arian lalo na ang multi-milyong mansion sa isang subdivision sa Kyusi, samantalang si Sen. Escudero ay noon pa nagbigay ng kanyang “waiver.”

Nangyari ‘yan, parekoy, dahil sa aking pananaw, si Sen. Escudero ay may delikadeza samantalang si Rep. Niel Tupaz ay “kapalmuks”!!!

Sa hiling ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na pangalanan ang mga may iligal na sugalan, narito:  Alyas Marissa ang sa Aurora Hill at Engineer’s Hill, si Arthur ang sa Magsaysay Rd., sa Kayang Hilltop ay kay Jasmin at kay Ronaldo ang sa Otec. Oh ano, Mayor?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply