Kapit-tuko kahit limang beses nang tinabla ng CA

SA lahat yata ng mga kali-him ng administrasyong A-quino, tanging ito lamang  si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ramon Paje ang kapit-tuko sa  puwesto kahit isinusuka na siya sa puwesto niya. Daig pa yata niya ang adobe sa kapal ng mukha niya.Tingnan n’yo halos limang beses nang tinabla ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon niya pero ka-pit-tuko pa rin ito sa puwesto.

Naku po, Diyos por Santo, Ina ng Awa, may mukha pa bang ihaharap si Paje sa publiko? Ganung ayaw na nga siyang ikumpirma ng CA para maging permanen-teng kalihim ng DENR. Kung tutuusin ay mabait pa nga ang mga miyembro ng CA kay Paje dahil hindi agad nire-reject ang nominasyon nito. Ang siste ay hinihintay pala ng CA na siya na mismo ang magkusang mag-resign para nga naman hindi siya lalong lumabas na kahiya-hiya sa publiko. Hehehehe. Ang kaso nga, tila walang pakiramdam si Sec. Paje kaya hanggang ngayon ay pakuya-kuyakoy lang ang mama  sa kanyang opisina.

Nagmamayabang pa nga  siya sa mga kasamahan nito  na may tiwala raw sa kanya si Pangulong Noynoy Aquino kaya hindi siya magre-resign kahit limang beses na siyang nire-reject ng CA.

President Aquino, para maging lalong  matuwid ang daan n’yo ay pakisibak lang si Mr.Paje.

NANGANGATOG NA  SA TAKOT SI MAYOR

Grabe, nagsisimula na raw mamerwisyo ang alkal-de ng Pasay City sa mga  makababangga nito sa 2013  local election sa Pasay City.

Ibang klase kung mang-bengga itong si Pasay City Mayor Antonino Calixto sa makakalaban nito sa ma-yoralty bet, lalo na si Mr. George del Rosario.

Mantakin nyo, ‘yung kalye  na kung saan ay gagawing headquarters ni Del Rosario ay pinagsisira nito at pinalalabas ay inire-reconstruct daw. (Naku, ha?)

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply