Kapit-tuko sa puwesto

KAPIT-TUKO raw sa puwesto itong si Sec. Ramon Paje.

Kung bakit? Aba’y limang beses na palang ibinasura ng Commission on Appointments ang kanyang nominasyon para ma-ging ganap na ‘bossing’ ng Depart-ment and Environment and Natural Resources.

Sa CA kasi, sinasala ang ‘nominado’ kung nararapat itong matalaga sa  mataas na posisyon ng gobyerno para masiguro na magiging maayos at ‘di magiging palpak ang operasyon ng haha-wakang departamento o opisina.

Sa kaso ni Paje, tila ‘di kum-binsido ang mga senador at kong-resista na bumubuo ng CA na ku-walipikado ang appointee ni PNoy para maging permanenteng kalihim ng ahensyang nangangalaga ng kalikasan.

Sa dami ng kontrobersyang bumabalot ngayon sa DENR, pakiwari natin eh, tama ang de-sisyon ng makapangyarihang CA na ‘di dapat makumpirma si Paje bilang mamumuno ng departamento.

Walang araw na ‘di napag-uu-sapan ang DENR dahil sa mga nangyayaring kalokohan at kahi-naan ng kasalukuyan nitong liderato na magsagawa ng reporma na ipinangako ni PNoy sa kanyang pag-upo sa Malacañang.

Kaya nga siya (Paje) ang iti-nalaga ni Pangulong Noynoy sa trono ng DENR dahil siguro mataas ang respeto at paniniwala nito sa kakayahan ni Paje. Pero, tila  nagka-mali ang Presidente sa pagpili kay Paje.

Dahil, halos dalawang taon na ang nakalipas, ang inakala ni PNoy at ng taumbayan na isasagawa at isasakatuparan ni Paje sa nasabing ahensya ay ‘di matutunghayan at mararamdaman nina Mang Juan at Aling Maria.

Imbes na matuwa, ang naki-kita sa sambayanan ay poot dahil sa mga lumalabas na problema sa kalikasan, tulad ng tuloy-tuloy na pagmimina sa maraming sulok ng bansa na dahilan ng pagkasira ng kalikasan. Sa totoo lang, na-gagalit na ang kalikasan at ipi-nakikita ito sa mga pagdaluyong ng malalakas na bagyo at ulan na dahilan ng pagbubuwis ng buhay. Ito’y dahil sa patuloy na pagwasak ng tao sa kalikasan.

Pero kung ginagawa ng DENR ang kanilang trabaho, sigurado tayong walang magagalit na Pinoy, bagkus sila’y matutuwa dahil sila’y nagtatrabaho para masalba ang Pinas at maging ang mundo sa pagkasira at kapahamakan.

At kung ginagawa rin ni Paje ang responsibilidad bilang kalihim at pinakamataas na opisyal ng nasabing ahensya, aba’y ‘di mag-aatubili ang mga kumakatawan ng CA na siya’y makumpirma bilang DENR secretary.

Ang siste kasi, ‘di kumikilos si Paje kaya nagkakahetot-hetot ngayon ang DENR.

Para tawagin kang kapit-tuko sa puwesto, para bang sinasabi na rin nina Mang Juan at Aling Maria na wala sa bokabularyo ni Paje ang salitang ‘delikadeza’.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply